Injured | Killed |
---|---|
0 | 0 |
Date: 20 January 2013
Source: By dzmm.com.ph | 21:20 PM 01/20/2013
http://dzmm.abs-cbnnews.com/news/Metro/Bahay_ng_empleyado_ng_ABS-CBN%2C_nilooban_.html
Pinasok ng mga nagpanggap na pulis ang bahay ng empleyado ng ABS-CBN sa Scout Fuentevella, Quezon City.
Sa salaysay ng biktimang si Jeff Macadaeg, biyenan ng ABS-CBN employee, bago mag-alas-12:00 ng tanghali habang naglilinis ng sasakyan ang isa nilang kasama sa bahay nang bigla itong tutukan ng baril ng nakapasok na tatlong armadong suspek sa bukas umanong gate at hinatak papasok ng bahay.
“Kunyari may hinahabol silang holdaper, mga pulis daw sila, mabubuting tao raw sila, ayun, Hinatak ‘yung pinto nung pumasok, mga holdaper ‘to ‘kako. Tapos pinagdadapa na kami, saan daw yung tinatago naming magnanakaw d’yan? Eh pinadapa kami doon pagkatapos nang makitang walang makukuha sa baba, pinapasok kami sa kwarto,” kwento ng biktima.
Sa kwarto na naghalughog ang mga suspek at nang makita ang kaha de yero, binuksan ito at tinangay ang mga alahas, pera at iba pang mahahalagang dokumento.
Ayon kay Ginoong Macadaeg, sugatan ang kanyang maybahay matapos paluin ng baril at suntukin ng mga suspek.
Makikilala aniya nila ang mukha ng mga nanloob dahil wala namang mga takip ang mga ito.
Ayon kay Macadaeg, armado ang mga suspek ng isang kalibre .38 baril na stainless ang kulay, isa pang .38 na itim at isang kalibre .45 na baril.
Wala umanong getaway vehicle ang mga suspek at naglakad lamang papalayo sa bahay.
Ngunit may sasakyan umanong naghihintay sa kabilang kanto ng pinasok ng bahay na mahigit 50 metro ang layo. Napaulat pang muntik itong mabangga.
Dumating naman agad sa lugar ng insidente ang mga kagawad ng Quezon City Police District (QCPD) Station 10.
Ayon sa hepe ng istasyon na si Superintendent Marcelino Pedroso, maraming lusutan sa lugar kaya mabilis at walang aberyang nakatakas ang mga suspek.
Mayroong naka-install na closed circuit television (CCTV) camera malapit sa lugar at titingnan na rin kung nahagip ang insidente.
Patuloy pang isinasagawa ang imbestigasyon sa insidenteng naganap sa kabila ng ipinatutupad ng election gun ban. Report from Dexter Ganibe, Radyo Patrol