Injured | Killed |
---|---|
0 | 0 |
Date: 21 May 2013
Source: Pilipino Star Ngayon
MANILA, Philippines – Mahigit sa P4 na milyong halaga ng alahas at pera ang natangay sa isang 65-anyos na retiradong kawani ng Bureau of Customs (BOC) makaraang pasukin ng umano’y ‘Akyat Bahay gang’ ang kanyang bahay sa lungsod Quezon, ayon sa ulat ng pulisya kahapon. Ayon kay PO2 Roldan Cornejo ng QCPD-Station 10, bukod sa mga alahas, nakuha rin sa biktimang si Emmanuel Gotladera, ang isang pouch bag na naglalaman ng iba’t ibang uri ng credit cards at susi ng kanilang safety deposit. Sa inisyal na imbestigasyon, nangyari ang insidente sa bahay ng pamilya Gotladera sa Bigonia St., Roxas District, sa lungsod, sa pagitan ng alas-2 ng hanggang alas-4:30 kamakalawa ng hapon. Bago ito, umalis umano sina Emmanuel kasama ang asawang si Evelyn at anak na si Arvin, ganap na alas-12 ng tanghali at pumunta sa isang party sa Bulacan. Sinasabing ang huling umalis at nag-locked ng pintuan ng kanilang bahay ay si Arvin kung kaya natiyak nilang sarado ang kanilang bahay. Alas -4 ng hapon, nakabalik ang pamilya Gotladera kung saan nabulaga na lamang si Arvin na siyang unang nagbukas ng pinto na nagkalat na sa loob ng bahay dahilan para tumawag sila ng ayuda sa Barangay hall. Napag-alaman ng awtoridad na nagawang makapasok ng mga suspect sa pamamagitan ng pagpanhik sa terrace saka puwersahang sinira ang lock ng pinto ng bahay. Partikular na natangay sa pamilya Gotladera ay ang P100,000 cash, at mga alahas na tinatayang aabot sa 4 na milyong piso.