Injured | Killed |
---|---|
0 | 0 |
Date: 01 June 2013
Source: Bombo Radyo
NAGA CITY – Patuloy pa ring inaalam ngayon ng mga otoridad kung sino ang suspek sa pamamaril sa bahay ng isang barangay councilor sa Atimonan, Quezon.
Sa ipinarating na ulat ng Quezon Police Provincial Office (QPPO), nabatid na mahimbing na natutulog sa kaniyang bahay ang biktimang si Isabelita Amado, 54, barangay kagawad ng Barangay Balubad sa naturang bayan nang makarinig siya ng ilang putok ng baril.
Sa takot ay hindi na lamang nito pinagtuunan ng pansin at muling natulog.
Subalit kinaumagahan ay laking gulat umano nito nang malamang ang kaniyang bahay ang pinagbabaril dahil sa mga butas sa kanilang pader.
Sa pagresponde ng pulisya, apat na slug ng hindi pa malamang kalibre ng baril ang natagpuan sa loob ng bahay ng biktima.
Blangko naman ang mga otoridad kung sino ang responsable sa pangyayari.