Bagong laya, itinumba

Injured Killed
0 1

Date: 04 July 2013
Source: Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Patay ang isang bagong laya na preso matapos na pagbabarilin ng limang armadong suspect, kahapon ng umaga sa may Brgy. Central, Quezon City.

Nakilala ang biktima na si Joker Tagumpay, 34, residente ng Parang, Ma­guindanao na nagtamo ng maraming tama ng bala sa katawan.

Natukoy ang pagkakakilanlan sa biktima sa nakuhang identification card at sa dala nitong certificate of discharge na may petsang June 25, 2013 mula sa New Bilibid Prison sa Muntinlupa na nagpapakita na ito ay kalalaya lamang dahil sa kasong illegal possession of firearm.

Nangyari ang insidente sa may Cadena de Amor St., Brgy. Central, ganap na alas-7 ng umaga

Ayon sa nakakita na si Felicito Lustero, habang siya ay abala sa pag-aayos ng kanyang tindahan ay bigla na lamang siya nakarinig ng sunod-sunod na pagputok ng baril. Agad siyang lumabas at tinignan ang pinagmulan ng putok kung saan tumambad sa kanya ang duguan at wala nang buhay na si Ta­gumpay.

Bago mangyari ang insidente, sinabi ni Lustero na may nakita siyang limang kahina-hinalang tao na may bitbit na mga baril na parang may minamanmanan sa pa­ligid.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:

Blangko pa ang pulisya sa motibo sa isinagawang pagpaslang sa biktima.