Injured | Killed |
---|---|
0 | 1 |
Date: 26 February 2013
Source: Bombo radyo feb 26, 2013
Bading pinatay, pinagnakawan ng 3 suspek na inimbitahan sa bahay
Tuesday, 26 February 2013 10:12
DAGUPAN CITY – Tadtad ng saksak at naliligo na sa sarliling dugo ang isang bading nang matagpuan ng mga otoridad sa lungsod ng Dagupan.
Nakilala ang biktima na si Joe Villanueva, isang parlorista ng David Salon sa Nepo Mall sa Dagupan na tubong Maynila.
Ayon sa impormasyon ng kapulisan, nakarinig ng ingay ang mga kapitbahay nito dakong alas-4:00 kaninang madaling araw.
Ngunit dahil nasanay silang may inuman sa loob ng bahay ng biktima kaya’t hindi na nila ito pinansin dahil sa pag-aakalang nagkakasiyahan lamang kasama ang tatlong kalalakihan na ipinagmamalaki at ipinakilala nitong mga nobyo.
Pinaniniwalaan na nanlaban ang biktima dahil magulo ang lugar at nagkalat ang dugo ng biktima sa loob ng bahay.
Sinasabing pinagnakawan ang biktima dahil nawawala na ang lahat ng kanyang mga alahas at mga gamit.
Natagpuan sa pinangyarihan ng krimen ang tatlong balisong na hinihinalang ginamit sa pagpaslang sa biktima.
Tinatayang nasa 20-anyos pababa ang mga suspek na nakita pa ng isang matanda sa lugar na patakbong umalis palabas ng bahay.
Sa ngayon ay patuloy na iniimbestigahan ng Dagupan City PNP ang insidente at matukoy ang mga salarin.