Babae sa Albay, patay matapos saksakin ng kanyang nakababatang kapatid

Injured Killed
0 1

Date: 31 March 2013
Source: Bombo Radyo

LEGAZPI CITY – Patay matapos na pagsasaksakin ng kanyang sariling kapatid ang 30-anyos na babae sa bayan ng Guinobatan, lalawigan ng Albay.

Kinilala ang biktima na si Judith Esquello y Palenzuela, residente ng Sitio Basud, Brgy. Masarawag, nasabing bayan.

Sa impormasyon na ipinaabot sa Bombo Radyo Legazpi, habang nasa impluwensya ng alak ang suspek na si Arbel Esquello, 25, nang magtungo ito harap ng bahay ng biktima at nagsisisigaw.

Hindi naman akalain ng biktima na ito na ang huling pagtatalo nila ng nakababatang kapatid dahil bigla na lamang siyang pinagsasaksak.

Sinubukan pa sanang pigilan ng live in partner ng biktima na si Joel Labulay y Olivides, 36, at isa sa mga kaanak nito na si Rodulfo Palenzuela ngunit maging ang mga ito ay pinagbalikan ng suspek.

Sa kasalukuyan nananatili naman ng suspek sa ospital dahil sa tinamo nitong sugat sa kanyang ulo.