Injured | Killed |
---|---|
1 | 0 |
Date: 27 September 2013
Source: Bombo Radyo
KORONADAL CITY – Hindi makapagsalita at walang kamag-anak na nag-aalaga sa ngayon sa South Cotabato Provincial Hospital ang isang babaeng pinalakol ng live in partner nito matapos na mag-away kagabi.
Kinilala ang biktima na si Roselle Loyola, residente ng Makar, General Santos City.
Ayon sa Koronadal City PNP, ini-report umano sa kanila ng mga kapitbahay ni Loyola ang nangyari sa biktima kaya’t nirespondehan nila ito at tinulungan na madala sa pagamutan.
Sa salaysay ng mga kapitbahay ng biktima, nag-away umano si Loyola at ang live in partner nito pasado alas-9:00 kagabi sa nirerentahang bahay sa Abad Santos Street sa lungsod hanggang sa pinalakol ng suspek ang biktima na natamaan sa bunganga, tenga at ulo.
Hindi halos makapagsalita ang suspek kaya’t nanawagan ang South Cotabato Provincial Hospital sa mga kamag-anak nito na puntahan siya sa pagamutan upang matulungan.
Hindi rin masabi ng biktima ang pangalan ng live in partner nito.
Sa ngayon, ginagamot ang biktima habang pinaghahanap naman ang suspek na tumakas matapos ginawa ang krimen.