Babae patay nang aksidenteng mabaril ng mister sa Zamboanga

Injured Killed
0 1

Date: 01 June 2013
Source: Bombo Radyo

ZAMBOANGA CITY – Wala ng buhay nang dumating sa ospital ang 49-anyos na misis makaraang aksidenteng mabaril ng kanyang sariling mister sa loob mismo ng kanilang bahay sa may Purok Matinabangon, Barangay Dao-an, San Miguel, Zamboanga del Sur.
 
Kinilala ng pulisya ang biktima na si Corazon Anggulo Manapco habang ang kanyang mister na suspek ay kinilalang si Teddy Anggulo Villamor, 54, isang magsasaka sa lugar.
 
Lumalabas sa imbestigasyon na isinagawa ng San Miguel municipal police station na bago nangyari ang insidente, masayang nag-iinuman ang mag-asawa kasama ang kanilang mga anak habang ipinagdiriwang ang kaarawan ng kanilang apo.
 
Sa kalagitnaan ng kalasingan, nagkaroon umano ng hindi pagkakaunawaan ang suspek at ang isa niyang anak.
 
Bigla umanong kinuha ng suspek ang kanyang baril at pinaputukan ng apat na beses na aksidenteng tumama sa tiyan ng kanyang misis.
 
Nasa kustodiya na ngayon ng San Miguel municipal police station ang nakabaril na mister habang hinahanda ang pagsampa ng kaukulang kaso laban sa kanya sa korte. (MRDS)