Injured | Killed |
---|---|
0 | 0 |
Date: 23 February 2013
Source: http://www.journal.com.ph/index.php/news/provincial/45567-babae-inagawan-ng-motorsiklo
BULACAN — Nakamotorsiklong pauwi na ang mag-ina nang agawin ng dalawang magkaangkas sa isa pang motorsiklo ang kanilang sinasakyan sa Bunsuran 3rd, Pandi, Bulacan, Sabado ng gabi.
Kinilala ang biktima na si Melanie Venerable, 23, may live-in partner at residente ng Bgy. Bunsuran 2nd, Pandi, Bulacan.
Ang live-in partner ng biktima na dumulog sa pulis ay si Christian De Leon, 36, head supervisor ng Farm Rich Industry at residente ng nabanggit na barangay.
Ayon kay De Leon, pauwi na ang kanyang mag-ina sakay ng Yamaha Mio-soul na may plakang UA2073 nang dikitan ng dalawang lalaki na sakay din ng motorsiklo at inagaw ang motor ng biktima,
Tumakas ang suspek lulan ng ninakaw na motor patungong Bgy. Batia, Bocaue, habang ang kasama ay papuntang Bustos.
Samantala, inireport sa Bustos police ni Rodelyn Vergara, 28, may-asawa at residente ng Bgy. Tibag, Baliwag, ang pagnakaw sa kanyang motorsiklo sa Bgy. Poblacion, Bustos.
Bandang alas-11:20 ng tanghali, ipinarada ng biktima ang kanyang Yamaha Mio-Soul na walang plate number sa compound ng Sto. NiƱo Parish Church sa Bgy. Poblacion para magsimba. Paglabas niya alas-11:50 ng tanghali wala na ang kanyang motorsiklo.
Agad nagsagawa ng follow up operation ang Bustos police para madakip ang mga suspek at mabawi ang motorsiklo. Manny Balbin kasama sina Mark jason Fajardo, Chester Joseph Guevarra (OJT)