Injured | Killed |
---|---|
0 | 0 |
Date: 30 April 2013
Source: Bombo Radyo
CEBU CITY – Sinampahan ng National Bureau of Investigation (NBI) Central Visayas ng mga kaso sa pagalabag sa anti-human trafficking law, anti-child pornography law at child abuse ang isang Australian national matapos mahuli na iligal na gumagamit ng mga menor-de-edad upang kumita ng pera.
Nahuli sa ginawang operasyon ng mga otoridad si Keith Robert Hutoon, taga-Sydney Australia, kasama ang dalawang dalagita sa loob ng inuupahan nito na hotel sa Lapu-Lapu City.
Ayon kay NBI-7 regional director Atty. Antonio Pagatpat, matagal nang isinailalim sa surveillance ang suspek dahil sa paggamit nito ng mga bata upang pahubarin at kunan ng pictures sa computer.
Ngunit itinanggi ng dayuhan ang asunto laban sa kanya at pinabulaanan na pagmamay-ari niya ang laptop na nakuha galing sa kanyang kwarto kung saan naglalaman ito ng maraming hubot’hubad na larawan ng mga batang babae.