Injured | Killed |
---|---|
1 | 0 |
Date: 04 December 2013
Source: Journal Online
SANG babaing estudyante ng Ateneo de Manila University ang kinidnap diumano sa loob ng campus sa Quezon City. Ang mga magulang ng 20 anyos na istudyante ay nagtungo noong November 21 sa Criminal Investigation and Detection Unit sa Camp Karingal para i-report ang pag-kidnap sa biktima.
Nabatid na noong araw na iyon, nagtungo ang biktima sa kanyang campus para mag-submit ng school requirements.
Pagkaraan ng isang oras, ang mga magulang ng biktima ay nakatanggap ng tawag umano mula sa isang professor at ibinalita sa kanila ang ukol sa pag-kidnap. Ang tumawag ay humihingi umano ng P50,000 cash money.
Sinabi ng pamilya ng biktima sa pulisya na muli silang nakatanggap ng tawag nang sila ay dumating sa Ateneo De Manila University at ang tumawag ay humihingi ng P250,000 cash money.
Bunsod nito ay ini-report ng mga magulang ng biktima sa pulisya ang insidente.
Pero ang kaso ay inilipat sa Anti-Kidnapping Group sa Camp Crame.
Sa isang pahayag na may petsang November 29, kinumpirma ni ADMU President Fr. Nemesio Que, SJ ang kidnapping sa campus. Sinabi na isang student ng Loyola School ang kinidnap sa loob ng north car park ng campus sa pagitan ng 6 p.m. at 6:30 p.m. noong November 21 (Huwebes).
Sinabi ni Que na ang student ay pinalaya at ’di sinaktan. Walang ibinayad na ransom.
Ang unibersidad ay wala nang ibinigay na impormasyon ukol sa istudyante. Tiniyak na siya ngayon ay nasa ligtas na kalagayan pagkatapos na palayain.
Sinabi ni Que na bunsod ng insidente, nagsasagawa ang university ng mga hakbang at pinag-aaralan ang mga pang-matagalang alituntunin bilang siguridad.
Idinagdag niya na ang university ay nagpasya na magdagdag ng mga ilaw at magtalaga ng mga magrorondang guwardiya sa parking areas.
Bukod dito, maghihigpit sa reglamento sa pagpasok at paglabas ng mga tao at sasakyan sa campus. Ang ilang entrada ay isasara.