Injured | Killed |
---|---|
0 | 1 |
Date: 26 March 2013
Source: http://www.abante.com.ph/issue/mar2613/luzon01.htm#.UVGCUxxvCC0
Patay ang isang 30-anyos na babae makaraang pagsasaksakin ng nakababatang kapatid na lalaki matapos tangkaing awatin ng una sa pagwawala ang huli na nasa impluwensya ng alak kamakalawa ng gabi sa Guinobatan, Albay.
Dead on arrival sa pinagsugurang ospital sanhi ng tinamong tatlong saksak sa katawan ang biktimang nakilalang si Judith Esquello-Palenzuela, may asawa at residente ng Sitio Basud, Bgy. Masarawag ng nasabing bayan.
Samantala, kasalukuyan namang nagpapagaling sa pagamutan ang suspek na nakilalang si Arbel Esquello, 25, residente din ng nabatid na barangay, matapos na magtamo ng putok sa ulo at ilang pasa sa katawan dahil sa ginawa nitong pamamaslang sa biktima.
Sa ulat na nakarating sa Police Regional Office (PRO) 5 sa Camp Simeon Ola, naganap ang insidente pasado alas-otso ng gabi nang magtungo ang lasing na suspek sa bahay ng biktima at doon magwala at magsisigaw.