Injured | Killed |
---|---|
0 | 0 |
Date: 30 April 2013
Source: Bombo Radyo
Patuloy na sinisiyasat ng mga otoridad ang kuha ng CCTV camera matapos mapasok ng dalawang hinihinalang akyat bahay ang kuwarto ng isang empleyado ng TV network sa lungsod Quezon kaninang madaling araw.
Kinilala ng mga otoridad ang biktima na si Beverly Androl.
Kuwento ni Androl, nalaman na lamang niya na pinasok ang kanilang inuupahang kuwarto makaraang tumawag ang isang roommate at sinabing sira na ang kanilang pintuan.
Natangay ng mga magnanakaw ang dalawang laptop at isang tablet ng biktima na nagkakahalaga ng mahigit P100,000.