Anak, sinaksak ang lalaking gumahasa sa kanyang ina

Injured Killed
1 0

Date: 13 April 2013
Source: Bombo Radyo

NAGA CITY – Nagpapagaling pa ang isang lalaki sa Quezon Province matapos saksakin ng isang menor de edad.

Kinilala ang biktimang si Angelito Peñamente ng bayan ng Real.

Batay sa impormasyong ipinaabot ng PNP Real, sinaksak ng 17-anyos na high school student na binatilyo ang biktima.

Ipinagtanggol lamang umano ng suspek ang kanyang ina na umano’y ginagahasa ng biktima.

Nakita umano ng binatilyo si Peñamente na nakapatong sa kanyang ina at tinatakpan ang bibig.

Sa galit, kumuha ito ng itak saka sinaksak ng anim na beses si Peñamente dahilan upang dalhin sa ospital.

Desidido ang biktima na kasuhan ang suspek na ngayo’y nakatakdang i-turn over sa DSWD.