Injured | Killed |
---|---|
0 | 1 |
Date: 31 August 2013
Source: Bombo Radyo
TUGUEGARAO CITY – Patay ang isang magsasaka matapos barilin ng kanyang sariling ama sa bayan ng Aparri, Cagayan.
Nakilala ang biktima na si Patricio Gazmen, 52, habang ang suspek ay kinilalang si Anastacio Gazmen, 72, kapwa residente ng Brgy. Caagaman, Aparri.
Sa imbestigasyon ng mga otoridad lumalabas na nagkaroon ng mainitang pagtatalo ang mag-ama habang sila ay nagsusugal sa isang lamayan na nagresulta sa pagbaril ng suspek gamit ang isang kalibre .38 na tumama sa dibdib ng kaniyang anak.
Narekober naman ng mga rumespondeng otoridad ang isang basyo ng bala ng nasabing baril sa pinagyarihan ng krimen.
Isinugod sa pagamutan ang biktima subalit idineklarang dead on arrival ng mga doktor.
Nasa kustodiya ngayon ng mga otoridad ang suspek na hinuli ng mga rumespondeng pulis.