Injured | Killed |
---|---|
0 | 1 |
Date: 04 December 2013
Source: Pilipino Star Ngayon
TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines – Dahil sa madalas na pagbabanta na ililigpit ang sariling mga magulang, pinalakol at napatay ang 47-anyos na anak ng kanyang ama sa Barangay Asan Norte, bayan ng Sison, Pangasinan kamakalawa. Kinilala ni SPO1 Oliver Sari ang napatay na si Ferdinand Saludo habang sumuko naman sa pulisya ang suspek na si Feliciano Saludo, 78, kapwa nakatira sa nasabing bayan. Sa imbestigasyon ng pulisya, nagkaroon ng pagtatalo ang mag-ama hanggang sa nauwi ang sagutan kung saan pinagbantaang papatayin ng biktima ang kanyang mga magulang. Gayon pa man, inunahan na ng suspek ang pasaway na anak kung saan pinalakol ito sa ulo.