Anak patay, ama sugatan sa pananaksak

Injured Killed
1 1

Date: 21 July 2013
Source: Bombo Radyo

ZAMBOANGA CITY – Nasawi ang 27-anyos na lalaki at sugatan din ang ama nito sa nangyaring pananaksak sa Barangay Tipan, Gutalac, Zamboanga del Norte.
 
Lumalabas sa imbestigasyon ng pulisya na bago nangyari ang insidente, magkasamang nag-iinuman ang mag-amang Roel Gemitar Gonzaga, 27, at ang 59-anyos na si Alfredo Gemitar Eting sa isang videoke bar sa lugar kung saan nag-iinuman din ang suspek na si Gaga Ladion kasama ang iba pa nitong mga kasamahan.
 
Dahil sa sobrang kalasingan, nagkaroon umano ng hindi pagkakaunawaan si Roel sa isa sa mga kasamahan ni Ladion na nauwi sa suntukan.
 
Nang umuwi na ang mag-amang ay doon na sila inabangan ng suspek saka ginawa ang pananaksak.
 
Sinubukan umanong tulungan ng ama ang kanyang naghihingalong anak pero inundayan din siya ng saksak ng suspek.
 
Nakatakas si Ladion at ang iba pa nitong mga kasamahan at ngayon ay patuloy na tinutugis ng pulisya. (MRDS)