Anak ng konsehal pinatay

Injured Killed
0 1

Date: 31 March 2013
Source: Phil Star Pang Masa

MANILA, Philippines – Agad na nasawi ang isang anak ng konsehal makaraang pagbabarilin ng isang suspek na sinasabing may matinding galit sa kanyang ama sa Brgy. Anolingan, Esperanza, Agusan del Sur kamakalawa ng gabi.

Ang biktima ay kinilalang si Carlito Panes Jr., 29; anak ni Carlito Panes Sr.,  Konsehal sa Brgy. Cabulan ng bayang nabanggit.

Kasalukuyan ng pinaghahanap ang suspek na tinukoy ng mga testigo na si Jolisar Lagahit, residente ng Brgy. Anolingan ng nasabi ring lugar.

Sa ulat, sinabi ni Supt. Martin Gamba, Spokesman ng CARAGA Police, naitala ang krimen sa Brgy. Anolingan, Esperanza ng lalawigan pasado alas-9:30 ng gabi.

Ayon sa imbestigasyon, kasalukuyang pauwi sa kanilang tahanan ang biktima kasama ang kaibigang si Boyet Cabuquing ng harangin at pagbabarilin ng suspek.

Sinasabing paghihiganti ang motibo ng krimen dahil may galit umano ang pamilya ng suspek sa ama ng biktima.