Injured | Killed |
---|---|
0 | 1 |
Date: 05 March 2013
Source: Bombo Radyo
LAOAG CITY – Pinaghahanap na ngayon ng PNP sa Dingras, Ilocos Norte ang isang ama na sumaksak sa sariling anak na dahilan ng pagkamatay ng biktima.
Patay habang ginagamot sa Gov Roque Ablan Sr Memorial Hospital ang anak na si Reggie Pascua, 38, may asawa at residente ng Brgy. Espiritu sa bayan ng Dingras matapos saksakin ng ama na si Wilfred Pascua, 56, residente rin sa nasabing barangay.
Ayon kay C/Insp. Ernesto Sadian, chief of police ng PNP Dingras, nangyari ang insidente dahil parehong nakainom ang mag-ama.
Dahil sa kalasingan, nagsisigaw ang ama at inawat naman ng anak ngunit nagalit ang suspek na dahilan ng pag-away nila ng biktima hanggang sa humantong ng pagkasaksak nito sa anak.
Nagtamo ang biktima ng isang tama ng saksak sa kanyang dibdib.
Inihahanda na ng PNP Dingras ang kasong parricide laban sa suspek.