Injured | Killed |
---|---|
1 | 1 |
Date: 18 February 2013
Source: Bombo Radyo
NAGA CITY – Limang tama sa iba’t-ibang bahagi ng katawan ang tumapos sa buhay ng isang padre de pamilya sa Camarines Norte matapos pagsasaksakin ng kanyang kainuman.
Hindi na umabot pa ng buhay sa ospital si Jun Berizo ng Barangay Alayao, bayan ng Capalonga habang sugatan naman ang anak nitong si Jayvie na sinubukang ipagtanggol ang ama.
Batay sa impormasyon, nag-iinuman ang biktima at suspek na si Ronie Montes y EspaƱa nang magkaroon ng hindi pagkakaintindihan sa ‘di malamang dahilan.
Sa labis na pagkapikon, kumuha ng patalim si Montes at pinagsasaksak sa iba’t ibang bahagi ng katawan si Berizo.
Tama naman sa likod ang tinamo ng nakababatang Berizo na pumagitna sa pangyayari.
Narekober ng mga otoridad ang ginamit na armas ng suspek na ngayo’y nananatili sa kulungan.