Injured | Killed |
---|---|
1 | 0 |
Date: 08 May 2013
Source: Bombo Radyo
DAGUPAN CITY – Nasa kustodiya na ngayon ng National Bureau of Investigation (NBI) Dagupan ang 15-anyos na dalagita na biktima ng paulit-ulit na panggagahasa ng sariling ama sa bayan ng Malasiqui sa lalawigan ng Pangasinan. Hawak na rin ng NBI Dagupan ang suspek na si Elias Garcia, 50- anyos, taga-Barangay Lokeb sa nasabing bayan. Napag-alaman mula sa biktima na paulit-ulit itong minomolestya ng suspek tuwing nakikipagtalik din sa kanyang asawa. Nagagawa umanong molestyahin ng suspek ang anak na katabi lamang nilang mag-asawa kapag matulog sa iisang kama. Nabatid na kahapon lamang Mayo 6, nang huling halayin ng suspek ang dalagita.