Injured | Killed |
---|---|
0 | 0 |
Date: 28 April 2013
Source: Bombo Radyo
NAGA CITY – Nagpapatuloy pa rin ngayon ang negosasyon sa pagitan ng mga otoridad at ng suspek sa nagaganap na hostage taking sa Barangay Gialod, Dimasalang, Masbate.
Sa panayam ng Bombo Radyo Naga kay SPO2 Julius Avila, deputy ground commander ng PNP-Dimasalang, kinilala nito ang suspek na si Angelito Alpabete alyas Bulilit.
Ayon kay Avila, nag-ugat ang pangho-hostage ng suspek sa pito niyang mga kamag-anak nang hanapin nito at hindi makita ang kaniyang mag-iina na matagal nang umalis sa kanilang bahay.
Hawak ng suspek ang isang kalibre .45 baril at isang hand grenade na aniya’y pasasabugin oras na hindi niya makita ang kaniyang pamilya.
Tumutulong na rin sa negosasyon ang alkalde ng naturang bayan na si Mayor Henry Naga kasama ang isang pari.