Injured | Killed |
---|---|
1 | 0 |
Date: 30 July 2013
Source: Bombo Radyo
NAGA CITY – Arestado ang 44-anyos na ama matapos sampahan ng kaso ng kanyang 13-anyos na anak na babae sa diumano’y pang-aabuso at panghahalay sa kanya sa Candelaria, Quezon.
Sa nakuhang impormasyon ng Bombo Radyo Naga, napag-alaman na ayon mismo sa hindi na pinangalanang biktima ay binantaan umano siya ng kanyang ama na hindi na rin pinangalanan pa, na papatayin siya nito kapag nagsumbong siya sa ginawa nitong kahalayan.
Buwan pa kasi umano ng Hunyo nang simulan nito ang ginagawang panghahalay sa kanya.
Sa ngayon ay nasa kustodiya na ng Candelaria PNP ang nabanggit na suspek para sa kasong paglabag sa RA 7610.