Injured | Killed |
---|---|
1 | 0 |
Date: 03 October 2013
Source: Bombo Radyo
ILOILO CITY – Nakakulong na sa Lemery Municipal Police Station ang isang ama dahil sa panggagahasa sa sariling anak.
Si Norberto Telesporo, 34, ng San Dionisio ay hinuli sa pamamagitan ng warrant of arrest sa Brgy. Capiñahan, Lemery kung saan ito nagtago matapos ang krimen.
Nagtangka pa itong tumakas subalit na-corner ng mga pulis.
Ayon kay S/Insp. Marios Amar, hepe ng Lemery PNP, mismo ang asawa ng akusado ang nagpahuli rito matapos nagsumbong ang kanilang pitong taong gulang na anak na ginahasa ito ng ama.
Nahaharap ngayon ang suspek sa kasong paglabag sa Republic Act 8353 o Anti-Rape Law.