Injured | Killed |
---|---|
1 | 0 |
Date: 27 September 2013
Source: Bombo Radyo
NAGA CITY – Rehas na bakal na ngayon ang hinihimas ng isang padre de pamilya na itinuturing na ika-No. 2 most wanted sa bayan ng Libmanan, Camarines Sur.
Ang suspek ay kinilalang si Francis Abisella, 37, na naaresto kahapon sa pamamagitan ng warrant of arrest.
Kaugnay ito ng kasong rape na kanyang kinakaharap matapos na pagsamantalahan ang sariling anak.
Sa panayam ng Bombo Radyo Naga kay PO1 Emy Rose Organes, sinabi nito na 14-anyos na dalagita.
Pitong taon umanong nakaranas ng pang-aabuso sa kamay ng kanyang sariling ama ang menor de edad.
Ngunit nito lamang buwan ng Setyembre nagkaroon ng lakas ng loob ang biktima na magsumbong dahil na rin sa takot.