Ama at 10-anyos na anak pinatay ng napalayas na caretaker

Injured Killed
0 2

Date: 26 May 2013
Source: Bombo Radyo

NAGA CITY – Patuloy na pinaghahanap ng mga otoridad ang suspek sa pamamaslang sa mag-ama sa Unisan, Quezon Province.

 

Sa panayam ng Bombo Radyo Naga kay S/Insp. Julius Alvaro, kinilala ang suspek na si Emerson Mariquet.

 

Nabatid na mahimbing na natutulog ang mag-amang Juanito Tampor, 51, at Rexon, 10 taong gulang nang pasukin ng biktima ang tinutuluyan nilang kubo.

 

Saksak sa iba’t-ibang bahagi ng katawan ang tinamo ng mag-ama maliban pa sa isang tama ng bala mula sa hindi pa matukoy na kalibre ng baril na nakita sa likuran ng nakatatandang Tampor.

 

Ayon kay Alvaro, nag-ugat ang krimen nang kunin ni Editha Balerio si Tampor na kapalit ni Mariquet bilang caretaker ng kaniyang fishpond dahil sa umano’y hindi magandang ginagawa nito sa kaniyang lupain.

 

Mula noon ay nakatatanggap na umano ng banta at pananakot ang biktima mula sa suspek hanggang sa mauwi ito sa pamamaslang.