Alkalde sa Bukidnon, sugatan nang binaril at hinoldap

Injured Killed
1 0

Date: 11 May 2013
Source: Bombo radyo

CAGAYAN DE ORO CITY – Binaril at hinoldap ng anim na lalaki ang isang alkalde sa may Barangay Bocboc, Don Carlos Bukidnon kaninang umaga.


Kinikilala ang biktima na si Julito Salahid, alkalde ng bayan ng Kadingilan sa Bukidnon.


Ayon kay Insp. Oliver Guibao, ahepe ng Kadingilan PNP, anim na mga armadong lalaki sakay ng tatlong motorsiklo at nakasuot ng maskara ang nangholdap sa biktima sa nasabing lugar.


Kinuha ng mga suspek ang pera ni Salahid at binaril pa sa kaniyang kaliwang paa.


Naniniwala si Guibao na posibleng may koneksiyon sa pulitika ang motibo sa nasabing krimen.


Patuloy pang inaalam ng pulisya ang kabuuang halaga na nakuha ng mga suspek. Kasalukuyang nagpapagamot ngayon sa isang bahay pagamutan sa Don Carlos, Bukidnon ang nasabing opisyal.