Injured | Killed |
---|---|
0 | 0 |
Date: 30 November 2013
Source: Journal Online
NATANGAY ng mga hinihinalang miyembro ng “Salisi Gang” ang mamahaling bag na naglalaman ng personal na gamit at salapi ng sexy aktres na si Maricar de Mesa-Allado habang nasa loob ng isang club kamakalawa ng madaling-araw sa Taguig City.
Nadakip naman ng pulisya ang isa sa mga suspek na nakilalang si Kimber Olmoguiz, 18, isa umanong student athlete, ng R. Papa St., Bgy. Obrero, Tondo, Manila, na nakita sa close circuit television (CCTV) camera na lumapit sa mesa ng biktima bago nawala ang mamahaling bag dakong alas-2 ng madaling araw.
Sa pahayag ni Maricar, 34, ng D23 Casa Verde Lanuza Avenue, Pasig City, nasa loob sila ng kanyang mga kaibigan sa Private Luxury Club sa 5th Avenue, Global City, Fort Bonifacio, Taguig City, nang mawala ang kanyang signature bag na nagkakahalaga ng P60,000 na naglalaman ng Samsung S4 cellphone at P1,000 na nakapatong lamang sa kanilang mesa.
Nabawi naman ng pulisya kay Olmuguiz ang cellphone ng biktima na nakalagay sa loob ng dala nitong backpack habang ang mamahaling bag ng aktres ay nasa kanya umanong kasabuwat na hindi muna binanggit ang pangalan.
Ayon naman kay Taguig police acting chief Supt. Annie Bodanio, nagsagawa ng follow-up operation ang kanyang mga tauhan sa University of the Philippines (UP) sa Diliman Quezon City upang dakpin ang kasabuwat ni Olmuguiz subalit nabigo sila.