Abogado, patay sa pamamaril ng mga pulis sa Antique

Injured Killed
0 1

Date: 01 September 2013
Source: By dzmm.com.ph | 04:01 PM 09/01/2013

http://dzmm.abs-cbnnews.com/news/Region/Abogado,_patay_sa_pamamaril_ng_mga_pulis_sa_Antique.html

Patay sa pamamaril ng mga pulis ang isang abogado sa Barangay Puao, Hamtic, Antique.

Batay sa imbestigasyon, nakasalubong ni Atty. John Mark Espera, 39-anyos si Virgilio Suarez na kapitbahay ng kaniyang kliyente kung saan siya nagkaroon ng miting.

Ayon sa pulisya, hinamong makipagsuntukan ni Suarez si Espera.

Pero nang makita ng padating na magkapatid na pulis na sina Jose at Raymond Suarez na natatalo na sa suntukan ang kanilang kapatid, binaril ng mga ito ang abogado.

Nagtamo ng tama sa ulo ang abogado na ikinamatay nito habang nasa kustodiya na ng pulisya ang bodyguard ni Espera na si Romeo Gaslao na nakatakas mula sa pamamaril.

Narekober naman ng Scene of the Crime Operatives (SOCO) sa pinangyarihan ng krimen ang isang bala ng 12-gauge shotgun at 10 bala ng M16 riffle.

Sumuko na sa pulisya si Jose Suarez habang tinutugis pa ang mga kapatid nitong sina Virgilio at Raymond.

Hinala ng pulisya, matagal nang may alitan ang abogado at pamilya Suarez. Report from ABS-CBN News