Injured | Killed |
---|---|
0 | 1 |
Date: 31 August 2013
Source: Bombo Radyo
ILOILO CITY – Patay ang isang abogado matapos barilin ng isang pulis at isang pang suspek sa Brgy. Pu-ao, Hamtic, Antique.
Ang biktima ay nakilalang si Atty. John Mark Espera, 39, ng Poblacion Uno, Hamtic.
Sa impormasyon na nakalap ng Bombo Radyo, nagtungo ang biktima sa kanyang kliyente sa Brgy. Pu-ao at pagkatapos umano ng kanyang transaksyon ay nakasalubong nito ang isang Bimboy Suarez na naghamon sa kanya ng suntukan.
Kasunod nito, isang komosyon ang nangyari at nagresponde umano si PO2 Jose Suarez, naka-assign sa Tobias Fornier Municipal Police Station, kung saan binaril ang biktima gamit ang 12-gauge shot gun.
Maliban sa pulis, may isa pang hindi nakilalang suspek na nagpaputok ng baril.
Ang abogado ay tinamaan sa tiyan at nahulog pa sa kanal.
Ang pulis ay sumuko na rin sa Antique Police Provincial Office (APPO).
Hindi pa matiyak ang motibo sa krimen subalit tinitingnan na may dati nang alitan ang abogado at ang suspek.