9 pang bangkay ng MNLF, narekober sa clearing operation sa Zamboanga City

Injured Killed
0 9

Date: 03 October 2013
Source: Bombo Radyo

ZAMBOANGA CITY – Siyam pang mga bangkay ang narekober ng mga tropa ng PNP at militar na nangunguna sa clearing operation sa mga lugar na naging sentro ng bakbakan sa Zamboanga City.
 
Batay sa report ng Police Regional Office (PRO-9), isa sa mga bangkay ay nakuha sa loob ng paaralan ng Sta. Barbara Elementary School na isa rin sa ginawang kuta ng mga rebelde sa loob ng ilang linggo kasama ang ilang hostages.
 
Dito rin pumuwesto ang maraming mga sniper at mga MNLF fighters.
 
Pito naman sa mga bangkay ang nakuha sa magkahiwalay na lugra sa may Sta. Catalina.
 
Dalawa sa mga bangkay na ito ang nakilala base sa kanilang mga MNLF ID sina Usain Abdurahman at si Akaram Ahmad, mga tubong munisipyo ng Parang at Talipao, Sulu.
 
Sa pagpapatuloy ng clearing operation na tinatayang aabot pa sa dalawang linggo o mahigit pa, inaasahang maramig pang mga nabubulok na bangkay ang makukuha sa malawak na lugar na naging sentro ng labanan sa loob ng mahigit sa tatlong linggo. (MRDS)