9-anyos todas sa ‘granada’ sa Isabela

Injured Killed
0 1

Date: 08 February 2013
Source: Remate.ph by Marjorie Dacoro Feb 8, 2013 7:15pm HKT

TODAS ang siyam na taong gulang na bata makaraang sumabog ang napulot na granada na kanyang minartilyo pa sa kusina ng kanilang bahay kaninang alas-11:30 ng umaga sa Bugalion Proper, Ramon, Isabela.

Nagtamo ng malubhang sugat sa mukha at sa iba pang bahagi ng katawan ang biktima na si Gino Padua, 9, Grade 2 pupil.

Ayon sa kamag-anak ng bata na si Orly Lachica, naputol ang kamay ng bata at nagtamo pa ng malubhang sugat sa mukha dahil sa malakas na pagsabog.

Nabatid na nang dumating galing sa eskuwelahan ang bata ay may dala na itong isang bagay  at nang kanyang martilyuhin sa kanilang kusina na nagdulot ng malakas na pagsabog.

Kasalukuyan namang nagsasagawa ng imbestigasyon ang Scene of the Crime Operatives (Soco) at PNP Ramon upang makumpirma kung granada nga ang sumabog na naging sanhi ng kamatayan ng bata.