Injured | Killed |
---|---|
0 | 1 |
Date: 19 April 2013
Source: Bombo Radyo
CEBU CITY – Nakatakdang sampahan ng kasong rape with homicide ang isang lalaki na suspek sa panggagahasa ng 9-anyos na bata sa Purok Gabi, Gun-ob Lapu-Lapu City, Cebu.
Ito’y matapos lumabas sa ginawang otopsiya na positibong ginahasa ang biktima.
Una nito, umamin ang suspek na si Junel Dusabas, 21, may-asawa at isang construction worker na siya ang gumahasa sa bata ng malasing siya galing sa kaniyang trabaho.
Napag-alaman ng mga otoridad na tinakpan ang bibig ng biktima na pinaniniwalaan na naging dahilan sa pagka-suffocate ng bata kaya ito namatay.
Natagpuan ang bangkay ng dalagita ng mga street sweeper ng lungsod sa isang talahiban na wala ng damit.