Injured | Killed |
---|---|
0 | 1 |
Date: 03 May 2013
Source: Bombo Radyo
ZAMBOANGA CITY- Wala ng buhay nang maabutan ng kaniyang mga anak ang isang 83-anyos na lola matapos saksakin ng hinihinalang magnanakaw sa loob mismo ng kanilang bahay sa Purok 1, Barangay San Jose, Buug sa lalawigan ng Zambaonga Sibugay.
Dalawang malalim na saksak sa dibdib ang tinamo ng biktimang si Basillia Ruflo na agad ding binawian ng buhay.
Batay sa imbestigasyon ng pulisya, naiwan umanong mag-isa sa kanilang bahay ang lola bandang alas-4:00 ng hapon dahil kumuha ng panggatong sa hindi kalayuan ang kaniyang mga anak na kanilang gagamitin sa pagluto ng hapunan.
Nabigla na lamang ang mga anak ng biktima nang dadtnan nila ang kanilang ina na puno na ng dugo sa katawan at nakahandusay sa kama.
Paniwala ng mga anak ng biktima na pagnanakaw ang motibo ng pananaksak sa lola dahil nawawala ang ilang mahahagang gamit ng pamilya.
Iniimbestigahan pa rin ngayon ng pulisya ang insidente para matukoy ang responsible sa krimen. (MRDS)