Injured | Killed |
---|---|
0 | 1 |
Date: 20 May 2013
Source: Pilipino Star Ngayon
MANILA, Philippines – Ang isang masayang laro sana ng taguan ay nauwi sa madugong tagpuan nang aksidente mabaril ng 12-anyos na bata ang walong-taong gulang nitong kapatid sa bayan ng Siay sa Zamboanga Sibugay.
Base sa imbestigasyon, naglalaro ng taguan ang mag-kapatid nang makakita ng 12-guage shotgun ang nakakatandang anak ng isang mag-asawang kasambahay sa ilalim ng kama.
Ayon kay Chief Inspector Ariel Huesca, tagapagsalita ng Police Regional Office 9 (PRO), narinig na lamang ng kanilang ina ang pagputok ng baril sa loob ng kuwarto.
“The police said the mother saw her younger son lying on the floor and bathing with his own blood while in the corner was the elder son, speechless and shocked, holding the firearm,” kuwento ni Huesca.
Napagalamanan na pagmamay-ari ng namayanpa nang si Alfredo Lumbuan ang baril na siya ring datinf may-ari ng bahay.
Dinala na sa Department of Social Welfare and Development ang 12-anyos na bata, habang nasa Siay Municipal Police Station na ang baril.