8-anyos, ginahasa ng 17-anyos

Injured Killed
1 0

Date: 28 April 2013
Source: Bombo Radyo

KALIBO, Aklan – Isang walong taong gulang na bata ang ginahasa ng 17-anyos na binatilyong kabarangay sa Nabas, Aklan.

Nabatid na nagsumbong ang bata sa kanyang mga magulang kung kaya’y agad naman silang nagsumbong sa Nabas Police Station.

Pinuntahan naman ng mga otoridad ang bahay ng suspek at agad itong naaresto.

Nakakulong na ang binatilyo sa police station ngunit posibleng ilipat ang kustodiya ng suspek mula sa PNP papunta sa Departmant of Social Welfare and Development (DSWD).

Nakatakdang isailalim sa medico-legal examination ang biktima upang malaman kong positibo itong naghasa.

Minabuti naman ng magulang ng biktima na manatili ang bata sa Aklan Provincial Hospital matapos umanong magkaroon ng hemorrhage.