Injured | Killed |
---|---|
0 | 0 |
Date: 31 March 2013
Source: Bombo Radyo
NAGA CITY – Matapos ang halos tatlong taong pagtatago sa batas, naaresto na ng mga otoridad ang isang lolong may kasong rape sa bayan ng Lagonoy, Camarines Sur.
Kinilala itong si Felipe Butalon, 74, isang byudo.
Nagtago ito sa karatig bayan ng Tinambac matapos umanong gahasain ang isang menor de edad sa kanilang lugar noong 2010.
Tinangka pa sanang takasan ni Butalon ang mga pulis ngunit sa pagtutulungan ng PNP-Tinambac, PNP-Lagonoy kasama ang mga tauhan ng PNP sa bayan ng Garchitorena ay tuluyan na itong nahuli.
Mariin pa ring itinanggi ng suspek ang akusasyon at tahasang sinabi na handa siyang harapin ang mga ibinabatong akusasyon sa kanya.
Kasong rape ang kinakaharap ngayon ni Butalon na may P200,000 na inirekomendang piyansa.