Injured | Killed |
---|---|
0 | 1 |
Date: 31 August 2013
Source: Bombo Radyo
NAGA CITY – Dead-on-the spot ang isang lola matapos pagtatagain ng isang pinaniniwalaang may diperensya sa isip na lalaki sa bayan ng Paracale sa Camarines Norte.
Kinilala ang biktimang si Justina Jardino, 71-anyos, byuda at residente ng Purok 2, Barangay Dalnac, sa naturang bayan.
Sa ipinarating na impormasyon ng Camarines Norte Police Provincial Office sa Bombo Radyo Naga, napag-alaman na habang naglalaba lamang ang biktima sa harap ng kanilang bahay nang dumating ang suspek na si Froilan Lamadrid, 37 taong gulang ng parehong lugar dala-dala ang isang patalim.
Sa hindi malaman na dahilan, pinagtataga nito ang biktima.
Nagtamo ng maraming tama sa iba’t-ibang parte ng katawan ang biktima na naging dahilan ng agad nitong kamatayan.
Dinala sa Funeraria Belmonte sa Labo, Camarines Norte ang bangkay ng biktima para isailalim sa otopsiya.
Inaresto naman ang suspek na pinaniniwalaang may diperensya sa pag-iisip.
Sa ngayon nasa kustodiya na ng Paracale Municipal Police Station ang suspek para sa kaukulang disposisyon.