7 sundalo sugatan sa roadside bombing

Injured Killed
7 0

Date: 08 August 2013
Source: Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Pitong sundalo kabilang ang kapatid ng Army colonel ang nasugatan makaraang bombahin ang sinasakyang military vehicle sa kahabaan ng highway sa Barangay Nabundas, bayan ng Shariff Saydona, Maguindanao kahapon ng tanghali.

Ayon kay Army’s 6th Infantry Division Commander Major Gen. Romeo Gapuz, bandang alas-11 ng tanghali ng sumabog ang itinamin na bomba sa highway kung saan dumaraan ang KM250 truck ng 2nd Mechanized  Infantry Battalion.

Kabilang sa mga sugatan ay sina Staff Sgt. Vicente Bendoy, Cpl. Jeoil Ancheta, Pfc. Julius Villanueva, Pfc. Philip John Soriano, Pfc. Efren Canete, Pvt. Aurelio Cantemayor at si Sgt. Alex Pepugal, kapa­tid mismo ni ret. Colonel Gil Pepugal,  opisyal ng OCD-ARMM. 

Nabatid na pabalik na sa kampo ang mga biktima mula sa pamamalengke at pabalik na sa kanilang kampo ng maganap ang pagsabog.

Samantala, patuloy sa pangha-harass ang grupo ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) sa Central Mindanao kaya umalerto ang security for­ces sa gitna na rin ng serye ng karahasan.

Nakaalerto naman ang tropa ng mga sundalo upang mapigilan ang posible pang mga karahasan na maaaring ihasik ng armadong grupo partikular na sa Central Mindanao.