Injured | Killed |
---|---|
0 | 7 |
Date: 31 August 2013
Source: Bombo Radyo
GENERAL SANTOS CITY – Kinasuhan na ang dalawang nahuling carnapper na suspek sa pagpatay sa habal-habal driver na si Anthony Laroya, residente ng Brgy. Buayan, GenSan noong nakaraang madaling araw.
Kasong carnapping with homicide ang isinampa laban sa kanila ni Arnel Macalawan Bentayao at Saiden Gaya, pawang taga-Maguindanao Province.
Ang mga ito ay nahuli sa isinagawang checkpoint sa Palian, Tupi, South Cotabato habang nakasakay pa sa duguang motorsiklo ni Laroya.
Inamin ng dalawa na walong mga habal-habal driver na ang kanilang nabiktima kung saan pito sa mga ito ang patay at isa ang survivor.
Napag-alamang pawang nasa ulo ang tama ng baril ng mga biktima at .45 caliber pistol na baril ang ginamit ng mga salarin.
Nasagot na rin ang tanong ng karamihan kung bakit walang nakukuhang basyo ng bala ng baril sa crime scenes, at itoy dahil walang extactor ang baril na ginamit ng mga suspek kaya’t hindi tumitilapon at mananatili ang slug sa loob ng baril.
Nakatakda na ring sampahan ng multiple carnapping with homicide sina Bentayao at Gaya sa pamamagitan ng regular filing dahil sa pagpatay sa iba pang mga motorcycle drivers.