7-months baby patay sa North Cotabato blast

Injured Killed
0 1

Date: 17 May 2013
Source: Bombo Radyo

KIDAPAWAN CITY – Niyanig  ng malakas na pagsabog ang lalawigan ng Cotabato dakong alas 2:50 ng madaling araw kanina.
 
Nakilala ang binawian ng buhay na si Jelzie Buhisan, pitong buwang  gulang pa lamang, habang sugatan naman ang ina nito na si Zohaina at kapatid na si Simpar, pawang mga residente ng Malvar St., Barangay Poblacion, Kabacan, North Cotabato.
 
Ayon kay Kabacan chief of police Supt Leo Ajero, hinagisan ng granada ng hindi nakilalang suspek ang tahanan ng mga biktima.
 
Dahil sa lakas ng pagsabog, on the spot na binawian ng buhay ang sanggol at sugatan naman ang kanyang ina at nakatatandang kapatid.
 
Agad namang tumakas ang mga salarin patungo sa ‘di matiyak na direksyon lulan sa isang motorsiklo.
 
Ito na ang ikatlong kaso ng pagsabog ng granada sa bayan ng Kabacan.
 
Una rito, bisperas ng halalan ay pinasabugan ang Kabacan Pilot Central elementary School at kinaumagahan naman ng araw ng eleksyon ay tinapunan din ang nasabing paaralan ng granada ngunit maswerteng walang nasugatan.
 
Agad namang pinag-utos ni North Cotabato Governor Emmylou “Lala” TaliƱo Mendoza sa pulisya ang masusing imbestigasyon sa naturang pangyayari. (Bombo Garry Fuerzas)