Injured | Killed |
---|---|
0 | 1 |
Date: 31 August 2013
Source: Bombo Radyo
(Update) LEGAZPI CITY – Nasa state of shock at trauma pa rin ang dalawang anak ng suspek na tumaga sa biyenan mismo nito sa bayan ng Guinobatan probinsya ng Albay.
Mangiyak-ngiyak pa habang nagkukwento ang pitong taong gulang na batang babae ng kanyang masaksihan ang pananaga ng kanyang sariling ina sa kanyang lolo’t lola.
Galit ang nararamdaman nito ngayon matapos ang krimen.
Ayon sa kwento nito, nasa bahay sila noon ng kanyang limang taong gulang na kapatid nang bigla na lang pagsasaksakin ng kanilang ina ang kanyang lolo at lola.
Wala naman umanong nangyaring komprontasyon sa pagitan ng mga ito at ng kanyang ina kung kaya’t nabigla na lamang sila sa ginawa ng sariling ina.
Desidido ang bata na tumistigo para maipakulong ang kanyang ina.
Kung maaalala, napatay ni Melinda Morato y Bilason ang kanyang biyenan na kinilalang sina Efren Morato y Pante, 58, at Naty Morato y Jacob, 50.