63-anyos na padre de pamilya, pinatay sa harap ng bahay

Injured Killed
0 1

Date: 03 October 2013
Source: Bombo Radyo

NAGA CITY – Patay ang isang padre de pamilya matapos barilin sa Legazpi City kagabi.

 

Kinilala ang biktimang si Rogelio Naz, 63.

 

Kwento ng anak ng biktima, isang putok ng baril umano ang narinig nila bago natagpuang nakabulagta sa tapat ng kanilang gate si Naz.

 

Bagama’t nadala pa ito sa ospital hindi na ito nailigtas pa.

 

Blangko naman ngayon ang pamilya ng biktima kung sino ang pumaslang sa kanilang padre de pamilya lalo pa’t wala ring nakakita sa pangyayari.