Injured | Killed |
---|---|
0 | 0 |
Date: 17 May 2013
Source: Bombo Radyo
BAGUIO CITY – Aabot sa P275,000 na halaga ng mga kagamitang ninakaw mula sa anim na Korean nationals at Japanese national sa 6th Floor ng Mt. View Bldg. sa Greenvalley, Baguio City.
Nakilala ang mga biktima na sina Kim Yong Shin, Young Sang Bae, Jeong Hyun Kim, Shinzi Shozu, Si Yeon Lee, Jung Woo Hong, at Okuhira Kazunari na pawang mga estudyante sa siyudad.
Ayon sa mga biktima, pinasok ng hindi nakilalang suspek ang kanilang silid habang sila ay natutulog.
Kabilang sa mga nanakaw ay Sky phone, Apple iPhone, iPhone, dalawang laptop, Samsung laptop, dalawang backpack, camera, Nike shoes, Apple iPod, Samsung Galaxy Note, iPhone, limang cellphone, Cashio watch, 60,000 Korean dollar, $100 US at P31,300 cash.
Naniniwala naman ang mga otoridad na inside job ang nangyari dahil hindi gumamit ang mga suspek ng pwersa para makapasok sa nasabing apartment.
Sa ngayon ay patuloy ang isinasagawang imbestigasyon ng mga otoridad tungkol sa nasabing insidente.