51-anyos na lalaki patay sa pamamaril sa Pangasinan

Injured Killed
0 1

Date: 31 March 2013
Source: Bombo Radyo

DAGUPAN CITY – Idineklarang dead on arrival ang lalaking biktima ng pamamaril sa bayan ng Bani matapos itong maisugod sa pagamutan.

Kinilala ang biktima na si Ceasar Doctor, 51, residente ng Sitio Mambog, Brgy. Ranao sa nabanggit na bayan.

Ayon sa impormasyon mula sa mga otoridad, nag-iinuman umano ang biktima kasama ang kanyang mga kaibigan sa harap ng bahay ng isang Rodelito Doctor ng bigla na lamang itong barilin ng hindi nakilalang suspek gamit ang isang hindi pa matukoy na kalibre ng baril.

Nagtamo ng tama ng bala ng baril ang biktima sa kanyang katawan na siyang nagresulta na agaran nitong pagkamatay.

Inaalam pa rin ng kapulisan ang motibo sa pagpatay.