50-anyos na wanted sa kasong rape, arestado

Injured Killed
1 0

Date: 31 August 2013
Source: Bombo Radyo

LA UNION – Nahulog sa kamay ng mga otoridad ang 50-anyos na wanted sa kasong rape.

 

Sa bisa ng warrant of arrest na inilabas ni Executive Judge Victor Viloria ng RTC Branch 28 sa syudad ng San Fernando, La Union, inaresto ni SPO1 Hector Flores ng San Fernando City Police Station ang suspek na nagngangalang Moises Apellido, residente ng Barangay Poro sa nasabi ding syudad.

 

Ang suspek ay nasa kostudiya na ngayon ng San Fernando City Jail at walang inirekomendang pyansa para sa pansamantala nitong paglaya.