Injured | Killed |
---|---|
2 | 5 |
Date: 04 May 2013
Source: Bombo Radyo
BACOLOD CITY – Limang sundalo ang patay habang dalawa ang sugatan sa nangyaring engkwentro sa pagitan ng rebeldeng New People’s Army (NPA) at tropa ng 47th Infantry Battalion sa lungsod ng Sipalay, Negros Occidental kaninang umaga.
Ito ang kinumpirma ni Lt. Col. Rey BaƱares, ang deputy commander ng 303rd Infantry Brigade.
Nangyari ang labanan bandang alas-8:00 kaninang umaga sa gitna ng inilunsad na pursuit operation ng mga sundalo kasunod ng pagsunog sa tinatayang 30 armadong kalalakihan sa bunkhouse ng Philex Mining Corporation sa Barangay Kamindangan kagabi.
Ang mga armado ay pinaniniwalaang mga kasapi ng Southwest Front ng NPA.
Hindi pa pinangalanan ng militar ang mga sundalong namatay, samantalang ang mga sugatan ay nasa isang ospital sa lungsod ng Kabankalan.