5 sugatan sa pagsabog sa Lanao del Norte; mayor nakaligtas

Injured Killed
5 0

Date: 04 February 2013
Source: Bombo Radyo

BUTUAN CITY – Lima ang sugatan kung saan isa ang nasa kritikal na kalagayan sa pagsabog na nangyari kaninang alas-11:00 ng umaga sa labas ng bahagi ng Ismael Restaurant sa Lanao del Norte

Napag-alaman na ang bomba ay ikinarga sa isang motorsiklo na nakarapada sa labas ng nasabing establisyemento.

Ayon sa nakasaksi sa pangyayari na si Max Sabandal, tatlo sa mga sugatan ay nakilalang sina Cherry Bernales, 42, at ang mga by-standers na sina Pedro de la Vega at Saipudin Bocay na kakain lang sana sa nasabing restaurant.

Base sa inisyal na imbestigasyon ng pulisya, posibleng may kaugnayan sa politika ang nasabing pangyayari dahil nasa loob ng restaurant si Mayor Johnny Tawan-Tawan sa bayan ng Salvador.