5 pulis sugatan sa Surigao del Sur encounter’

Injured Killed
5 0

Date: 19 May 2013
Source: Bombo Radyo

BUTUAN CITY – Sugatan ang Limang miyembro ng PNP-Special Action Force (SAF) at Special Action Force-Commando Class 63 nang makasagupa nito ang rebeldeng New People’s Army (NPA) sa Surigao del Sur.

 

Batay sa report nagsasagawa ng patrulya ang mga nasabing pulis sa may tri-boundaries ng Barangays, Sta Maria, Sta Cruz at Doña Carmen sa bayan ng Tagbina ng makasagupa nito ang grupo ng Southeast Command 14 ng Northeastern Mindanao Revolutionary Committee.

 

Umabot sa 20 minuto ang palitan ng putukan sa pagitan ng mga pulis at NPA na naging resulta sa pagkasugat ng limang miyembro ng 11 SAC PNP-SAF na nakilalang sina: PO2 Edwin Cinco; PO1 Edison A. Balete Jr.; PO1 Rommel V. Senin; PO1 Clifford Elibeto; at PO1 Jonathan Garoy.

 

Kasalukuyang sumasailalim na sa medical treatment Democrito O. Plaza Memorial Hospital sa Patin-ay, Prosperidad, Agusan del Sur ang limang sugatang pulis.

 

Pinaniniwalaang mayruong casualties sa panig ng rebeldeng NPA dahil sa mga bakas ng dugo na nakita sa lugar kung saan tumakas ang grupo.

 

Samantala, inalerto na rin ng PNP ang lahat ng kanilang pwersa sa Agusan del Sur matapos ang labanan, kung saan mas lalong pinaigting ang pagpapatupad ng checkpoints at nag-inspeksyun sa mga ospital at mga klinika upang mabatid kung mga sugatang katao ang dinala at sumasailalim sa medical attention.