Injured | Killed |
---|---|
0 | 5 |
Date: 29 September 2013
Source: Bombo Radyo
CAGAYAN DE ORO CITY-Umaabot umano sa limang katao ang nasawi sa panibagong ayaw ng dalawang pamilya o ‘rido’ sa bayan Picong,Lanao del Sur.
Ito’y batay sa ipinaabot ng mapagkatiwalaang army source na ayaw magpabanggit ng pangalan sa Bombo Radyo Cagayan de Oro.
Ayon sa nasabing impormasyon,nangyari umano ang engkuwentro sa dalawang magkahiwalay na lugar na kinabibilangan ng Barangay Ramitan at Barangay Punong sa pagitan ng pamilyang Amir at Tumbaya.
Wala pang anumang komento na inilabas ang militar ug pulisya kaugnay sa nasabing pangyayari.
Kasalukuyang nagsasagawa pa ng imbestigasyon.
Pagpatupad na rin ng mahigpit na seguridad ang militar at pulisya sa mga nabanggit na lugar.
Kung maalala,mayroong apat na buhay din ang nasawi na kinabilangan ng isang sundalo at tatlong hindi kilalang lalaki matapos nangyari ang straffing incident sa checkpoint ng 51st Infantry Batallion,Philippine Army sa bayan ng Madalum, Lanao del Sur kahapon ng umaga.